Huwebes, Nobyembre 6, 2014

Alamat Ng Bruha

     Noong unang panahon ay may isang babae na napakaganda na nagngangalang si Isabela. Nakatira siya sa kagubatan kasama ang kanyang ina ngunit namatay ito dahil sa tanda. At sa kagubatan may isang mangkukulam na nakatira din doon. Isang araw naglakbay si Isabel sa kagubatan at nakita siya ng mangkukulam at nainggit ito sa kanyang angking ganda. Dahil sa nainggit ang mangkukulam sa kanya ay sinumpa niya si Isabela at nagmukhang bruha. Laking gulat ni Isabela nang nakita niya ang kanyang sarili. At simula sa arw na iyon ay tinanggap ni Isabela ang nangyari sa kanyang sarili. At naging hilig narin ni Isabela ng magtanim ng mga gulay at prutas sa kanyang bakuran dahil hindi na siya makaka-alis sa kanila.




    Makalipas ang ilang araw may isang lalaking nagngangalang si Ernesto. Si Ernesto ay isang mangangahoy galing sa bayan, pumunta lamang siya sa kagubatan upang kumuha ng mga kahoy na gagamitin nila sa kanilang pagluluto. Ang ina ni Ernesto nasi Zamora ay lubhang sakitin ay nag-aalala na sa kanyang anak dahil kung anu na ang nangyari dito. At nang napadaan si Ernesto sa bakuran nina Isabela ay napansin niya rito na may mga pananim ito. Pumitas si Ernesto ng mga prutas upang ibigay sa kanyang ina. Nang pumitas ng mga  prutas si Ernesto ay may narinig siyang boses na napakalamig.


" Anong ginagawa mo dito? Sino ka ba? Ba't mo pinipitas ang mga pananim ko? "


Laking gulat nalang ni Ernesto nang makita niya si Isabela sa kanyang likuran.


" Ipag-umanhin mo! Hindi ko sinasandyang pitasin ang iyong mga pananim. Ako nga pala si Ernesto. Ikaw ano ba ang pangalan mo?


" Ako nga pala si Isabela! Wag ka sanang matakot sa akin, kung nagulat kaman sa akin ay ipag walang bahala mo na lang iyon. At kung gusto mo pang kumuha ng mga prutas o gulay, Okie lang. Pero may hihilingin lang sana akong pabor sa iyo "



" A-a-ano yun? "

" Kung pwede lang sana huwag mong ipagsasabi sa iba ang pagkatao ko! "


" Makakaasa ka! "


   At umuwi nasi Ernesto sa kanilang bahay dala-dala ang mga prutas at gulay na galing sa harden ni Isabela. Tuwang-tuwa ang kanyang ina dahil sa kanyang idinadala. Ngunit naisipan niya kung saan ito nanggaling.


" Anak, sa'n ba ito nanggaling? "


" Sa kaibigan ko po inay "


   Sa pagkakaibigan nina Ernesto at Isabela palagi na silang nagkikita kahit na nakakatakot ang mukha ni Isabela. At unti-unting nang nahuhulog ang loob ni Ernesto kay Isabela. Isang araw nagkita silang muli at sinabi na niya ang totoong nararamdaman niya rito.



" Isabela,may sasabihin lang sana ako  sayo at sana huwag kang magagalit "


" Ano ba iyon Ernesto? "


" Gusto ko lang naman malaman mo na may pagtingin akong nararamdaman para sa iyo. "


" Ngunit Ernesto tao ka at ... "


" Bakit ang pag-ibig ba nakikita sa mukha? Isabela ?


" Sige, pag iisipan ko muna. "


   Sa kanilang pag-uusap pinag-isipan ng mabuti ni Isabela ang bagay na iyon hanggang sa napagpasyahan niya na ipag patuloy  ang kanilang relasyon dahil sa pagkikita nila unti-unti naring nahulog ang loob ni Isabela para kay Ernesto. Nagkita silang muli sa kagubatan at sa kanilang pag-uusap bigla itong napahinto at hinalikan ni Ernesto si Isabela sa kanyang labi at sa pamamagitan ng halik na iyon ay bumalik ang dating anyo ni Isabela. Dahil ang tunay na pag-ibig lamang ang makakapag babalik sa tunay na anyo ng babae.


   Simula sa araw na iyon ay nagsama silang dalawa kasama ang ina ni Ernesto. Namuhay sila ng payapa at masayang bumuo ng sariling pamilya.








1 komento: